![](http://i400.photobucket.com/albums/pp81/unlovedgurltan/1863.gif)
Friends with Benifits?
♥ Monday, February 27, 2012 @ 6:01:00 PM
So, today. They (my friends) decided to talk to our other friend (Airson). Whom they didn't talk for almost 3 months. The conversation is full of serious face but Me and Josiah making them laugh. Why so serious?
Puno ng katahimikan ang pauusap naming apat. (Ako, Kathy, Airson, Josiah at Jam) Ano ba kasi ang istorya?
Ganito iyon -- nagsimula nang maglunch kami ng hindi na kasama si Airson. Dahil ba sa Prod? Oo, nalayo na lang ang loob nya sa amin. Akala ko wala lang iyon. Pero nagulat na lamang ako nang hindi na kinikibo at pinapansin nila Kathy, Jam at Eunice si Airson. Big deal? Oo, dahil nagtatampo sila. Pati rin naman ako pero patuloy ko pa rin namang kinakausap at kinikibo si Airson. Nasanay na ko sa asaran at kulitan namin at naawa naman ako. Hindi na nga kinakausap ng 3 si Airson. makikisali rin ako? Uso? Uso? Pati rin si Josiah, pinapansin na rin sya. Bakas ang lungkot ni Airson, kahit na sya ay tumatawa. Isang araw, after ng Biology namin. Niyaya ko sya. Wika ko "Lolo! Tara na. kaen na tayo, sama ka na samin" Siya'y ngumiti lamang at sinabing -- Wait lang. Ang salitang wait lang ay hindi umaabot ng oras, 2 oras o 3 oras.. panandaliang salita o panakip butas lamang na minsan ang ibig sabihin ay Ayoko. Noong isang gabi-- nakatex ko sya, tinanong nya ako tungkol sa aking nararamdaman. May problema daw ba ako? Ang sabi ko - Secret. Binalik ko naman sa kanya ang tanong nya sa akin. Ang sabi nya, OO. marami daw, sa kanyang pag-aaral, pamilya at mga KAIBIGAN. Nakaramdam na rin siguro..
Ok na sila ngaun.. Siguradong papansinin na nila si Airson. Pero may salitang bintawan ang 2 nagtatampo. "Huwag na lang nating sanaying lagi syang andyan" - dahil anumang oras pwede nya tayong iwan ulit.